Anong ibig sabihin ng Pilipino?

Anong ibig sabihin ng ‘Pilipino’? Anong kapalaran ng isang babaeng nakikinig sa magulang? At lahat ba ng taong umiibig, lumiligaya?

Kumusta?

Muntik ko nang malimutan kung para kanino ang blog na ‘to. At dahil buwan ngayon ng Agosto, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang buwan ng wikang Filipino.

Ang mga sumusunod ay hango sa mga istorya, tula o librong isinulat ng mga Pinoy. Maaaring popular ang ilan sa mga ito, ang iba nama’y parte na ng literaturang Filipino.

What does Pilipino meanImahe mula sa: mag3737 via photopin cc

  1. “Don’t say Fili, sister. Say Pili. In Tagalog, pili means to choose. Pino means fine. Pilipino equals fine choice.” – Jessica Hagedorn

Love Stats
Imahe mula sa: seyed mostafa zamani via photopin cc

  1. “Me quota ang pag-ibig. Sa bawat umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. Ang iba, iibig sa di sila iniibig, iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman.” – Ricky Lee

bob ong selfworth
Imahe mula sa: BryonLippincott via photopincc

  1. “Nakalimutan na ng tao ang kabanalan n’ya, na mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawen kesa sa nakalista sa resume n’ya, at mas mas mataas ang halaga n’ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n’ya tuwing suweldo.” – Bob Ong

Filipino men and women
Imahe mula sa: ArtByChrysti via photopin cc

  1. “Ang lalakeng nakikinig sa magulang, masunurin. Ang babaeng nakikinig sa magulang, baka maging old maid!” – Stanley Chi

Sana - GEM
Imahe mula sa: The Wandering Angel via photopin cc

  1. Mula sa panulat ni Genoveva Edroza Matute

“Sa wikang nanulay na, sa panulat o hininga;

Ay wala nang hahapis pa, sa salitang ‘sana’…’sana’….”